Umabot na sa higit ₱70 million ang halaga ng ng naipamahaging tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar na hinagupit ng Bagyong Falcon at habagat.
Sa pinakahuling datos ng DSWD, nasa higit 1,000 apektadong barangay mula sa Region 3, CALABARZON, at Region 6, ang nabigyan ng ayuda.
Umakyat na rin sa 633,162 na pamilya o 2,291,381 na indibidwal ang naapektuhan ng kalamidad.
Habang nasa 8,943 na pamilya o 31,822 indibidwal pa ang inilikas at kasalukuyang nananatili sa mga evacuation center.
Nasa 86 naman ang bilang ng mga nasirang kabahayan at 369 ang partially damaged.
Matatandaang nauna nang iniutos ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na madaliin ang pagdi-dispatch ng food packs para sa mga lalawigang naapektuhan ng magkakasunod na pag-ulan.