Higit ₱700-B na pondo ng MMDA para sa flood control project, fake news ayon kay MMDA Chair

Pinasinungalingan ni MMDA Chair Atty. Romando Artes ang kumakalat na post online na ‘di umano’y meron silang 787.6 billion pesos na pondo para sa flood control program sa nakalipas na dalawang taon.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Artes na wala silang ganon kalaking pondo kahit pagsamahin pa ang pondo ng MMDA sa nakalipas na 49 na taon mula nang itatag ang kanilang opisina.

Sa katunayan, noong 2023 meron lang anya silang 1.8 billion budget, habang 2.2 billion naman noong 2024.


Kasama na raw dito ang 400 million pesos na pondo para sa operation and maintenance ng 71 pumping stations.

Facebook Comments