Sinimulan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pamamahagi ng pondo para sa mga nasalanta ng sunod-sunod na pag-ulan.
Ayon kay DBM Sec. Amenah Pangandaman, nasa ₱8.4 billion na ang pondong nailabas ng ahensya para sa ayuda ng apektado ng mga Bagyong Egay, Falcon at Habagat.
Ang naturang pondo ang mula sa ₱20.5 billion ng General Appropriation Act 2023, sa ilalim ng National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF).
Gayunpaman, ang pondo para sa Quick Response Fund (QRF) ay nasa ₱525 million na lamang dahil nagamit na ang ₱5.6 billion sa nakalipas na anim na buwan.
Dahil dito, umaasa ang DBM na huwag na sanang masundan ng mas malalakas na bagyo ang bansa dahil pagkakasyahin na lamang ang ₱525 million na natitirang QRF.
Samantala, sa kasalukuyan ay mayroon pang P12 billion na natitira para sa natitirang anim na buwan ng 2023.