Nakumpiska ng Department of Agriculture (DA) Office of the Assistant Secretary for Inspectorate and Enforcement, kasama ang Bureau of Customs at Philippine Coast Guard ang masa P86.8 milyong halaga ng smuggled agri-fishery products sa Navotas City.
Katumbas ito ng nasa 364,000 kilo ng mga nasabing produkto.
Ang mga nakumpiskang produkto ay binubuo ng expired na karne ng baka, karne ng manok, at frozen na isda.
Nasabat ito sa 13 cold storage facilities na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng Philstorage Corporation.
Nabatid na ikinasa ang anti-smuggling operation sa Navotas City bilang parte ng hakbang para mapigilan ang pagsasagawa ng agricultural smuggling.
Paraan din ito upang masiguro na ligtas ang bawat produkto na mabibili sa merkado at hindi ang katulad nito na matagal ng naka-imbak.
Kaugnay nito, hinihimok ng pamahalaan ang publiko na isumbong sa mga tanggapan o ahensiya ang anumag iligal na aktibidad na may kaugnayan sa agricultural smuggling upang tuluyan na itong mapigilan.