Higit sa P800 milyon na ang naluging fish pens at fish cage operators sa Laguna de Bay sa pananalasa ng Bagyong Rolly.
Ayon kay Engr. Emil Hernandez ng Environmental Regulatory Department ng Laguna Lake Development Authority, pinakamaraming fish pens at fish cage owners sa lugar ng Muntinlupa at Taguig ang nasira dahil malapit lamang ang mga ito sa Pasig River at mas maalat ang tubig doon.
Nabatid na nasira ang mga istruktura at nakakawala ang mga isda sa pananalasa ng Bagyong Rolly.
Sa isang ektarya, nasa P300,000 umano ang nawalang kita sa mga nasirang fish pens sa lawa.
Facebook Comments