Higit ₱855,000 halaga ng ecstasy na nakasilid sa isang transparent plastic bag na galing ng Germany, nasabat sa Port Area, Manila

Naharang ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang isang inbound parcel na naglalaman ng ecstacy o party tablets.

Ayon sa PDEA Regional Office – NCR Special Intelligence Unit, aabot sa higit limang daang piraso ng ecstacy na nagkakahalaga ng mahigit ₱855,000 ang nasabat.

Nadiskubre ito matapos magsagawa ng inspeksyon ang operating team sa pasilidad ng Surface Mail Exchange Department o SMED ng Philippine Postal Corporation sa Port Area, Maynila.

Dito natagpuan ang isang brown parcel at nakasilid ang mga tableta sa isang transparent plastic bag na galing ng Germany at ipinadala sa isang address sa Caloocan City.

Dinala na sa PDEA Laboratory Service ang mga nasabat na ecstacy para sa confirmatory tests.

Inaalam pa sa ngayon kung sino ang nagpadala at tatanggap ng kargamento.

Facebook Comments