Ipinasasauli ng Commission on Audit (COA) sa Securities and Exchange Commission (SEC) ang mahigit ₱92.7 milyon sa mga sweldong natanggap ng mga opisyal at empleyado nito na umano’y nakitaan ng iregularidad.
Tinanggihan ng COA ang motion for reconsideration na inihain ng SEC at ng dating chairperson nitong si Atty. Theresa Herbosa at pinagtibay ang isang notice of disallowance na unang inilabas noong 2014.
Sinita ng state auditors ang SEC sa mga pagtaas ng suweldo na ibinigay sa mga opisyal at empleyado noong 2012 nang walang pag-apruba sa tanggapan ng pangulo.
Sinabi ng COA na ang lahat ng mga pampublikong opisyal na responsable sa mga iligal na paggasta gayundin ang mga aktwal na nakatanggap ng mga halaga ay dapat saklaw sa refund.
Facebook Comments