Higit 1.2 million doses ng COVID-19 vaccines, naiturok na

45

Nasa higit 1.2 million doses na ng bakuna kontra COVID-19 ang naiturok sa mga Pilipino, mahigit isang buwan matapos simulan ang vaccine rollout sa bansa.

Batay sa pinakahuling vaccine statistic bulletin, nasa 1,255,716 doses na mula sa kabuuang 3,025,600 doses na nai-deliver sa bansa ang naiturok na.


Aabot naman sa 1,093,651 indibidwal ang nakatanggap na ng kanilang first shot habang 162,065 ang nakakumpleto na ng kanilang second shot.

Samantala, mahigit 2.8 million doses o 93% ng kasalukuyang suplay ng bakuna ang naipamahagi na sa 2,988 vaccination sites sa buong bansa.

Facebook Comments