Higit 1.2 million face masks, naipamahagi ng DSWD

Umabot na sa 1.2 million face masks ang naipamahagi sa mga mahihirap na pamilya sa Metro Manila sa ilalim ng “Libreng Mask para sa Masa” project ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang Task Group Face Mask (TGFM) ay nakapamahagi na ng kabuoang 1,218,790 face masks sa mga Local Government Units (LGU) ng Muntinlupa, San Juan, Navotas, Mandaluyong at Pateros.

Patuloy silang mamamahagi ng face masks sa mga natitirang LGU sa National Capital Region (NCR), Cavite, Laguna, Rizal, Batangas, Bulacan at iba pang bahagi ng Visayas at Mindanao.


Ang programa ay layuning iprayoridad ang kaligtasan ng bawat mamamayan sa panahon ng pandemya.

Tinutulungan din ng programa ang micro, small at medium enterprises na nawalan ng operasyon dahil  sa health crisis.

Kasama ng DSWD sa programa any Department of Trade and Industry (DTI), Department of Health (DOH), Department of Budget and Management (DBM), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Presidential Management Staff (PMS).

Facebook Comments