Higit 1.5 Milyong Isabeleño, Target na Mairehistro sa National ID

Cauayan City, Isabela- Target ng Philippine Statistics Authority (PSA) Isabela na mairehistro ang higit 1.5 milyong Isabeleño na edad 5 pataas hanggang sa taong 2022.

Sa panayam ng iFM Cauayan kay Cristilu Geronimo, Focal Person ng PhilSys Isabela, nasa 189,000 indibidwal ang kinakailangan pang mairehistro para sa buwan ng Enero hanggang Marso taong kasalukuyan.

Ilan naman sa mga bayan at siyudad ang hindi pa natatapos sa National ID system ay kinabibilangan ng San Pablo, Cabagan, Tumauini, Sta. Maria, Delfin Albano, City of Ilagan, Naguilian, Benito Soliven, San Mariano, Cauayan City, Alicia, Angadanan, Jones, Echague, Santiago City, Cordon, Ramon, San Mateo at Roxas.


Ayon pa kay Geronimo, ilan sa mga kailangang gawin ng ahensya ang pagkuha ng Demographic Data ng isang indibidwal gaya ng pangalan, date at place of birth, blood type, marital status, permanent at present address, biometrics (10 fingers), eye resistant at frontal Photograph at ang National ID release ay ipoproseso naman ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Samantala, sa pagtungo sa mga Municipal/City Civil Registrar Office ay isa sa mga dokumentong kakailanganing dalhin ay livebirth (PSA/NSO), anumang Government ID (GSIS, SSS, Driver’s license at iba pa), 4Ps ID, Senior Citizen ID, TIN ID o COMELEC at Barangay Certification.

Pakiusap naman nito sa mga isasalang para sa frontal photograph ay mangyaring magsuot ng komportableng kasuotan para sa pagkuha ng litratong mailalagay sa National ID.

Facebook Comments