HIGIT 1.5M PISONG HALAGA NG SHABU, NASAKOTE SA ISANG REGIONAL HIGH VALUE TARGET

Nasakote ng awtoridad ang nasa 1,564,000 pesos na halaga ng shabu mula sa mga itinuturing na High Value Target sa rehiyon uno.
Ang mga nasabat na shabu, may bigat na nasa 230 gramo.
Nadiskubre ang naturang ilegal na droga sa isang 51 anyos na fishpond caretaker sa pamamagitan ng search warrant operation.
Agad naman inilagak sa imbentaryo ang mga nakalap na ebidensya para sa tamang dokumentasyon habang iginiit ng hanay ng pulisya ang kanilang mahigpit na pagbabantay at pagpuksa sa mga nagpapalaganap ng ilegal na droga.
Facebook Comments