HIGIT 1.8-M NA SAHOD NG HIGIT 400 ESTUDYANTENG BENEPISYARYO NG SPES PROGRAM NG DOLE SA PANGASINAN, NAIBIGAY NA

Naipamahagi na ng Department of Labor and Employment Pangasinan ang mga sahod o benepisyo ng higit apatnaraang estudyante sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa naging panayam naman ng IFM Dagupan kay DOLE-Central Pangasinan Field Office Head Agnes Aguinaldo, as of September 2023 kabuuang P1,814,186.32 na ang na-released o naibahaging sahod ng na nasa 87.37% o katumbas ng 402 na mag-aaral na mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan na sumabak sa Special Program for the Employment of Students o SPES Program ng ahensya.
Dagdag pa nito na may natitira pang mga estudyante na hindi pa nababayaran dahil hindi pa nag-uumpisa ang mga ito na magtrabaho.

Siniguro naman ng opisyal na bago matapos ang taon ay mai-rerelease ang lahat ng pondo na kabuuang P2,096,471.86 para sa programang ito handog sa mga estudyanteng nakabakasyon sa kanilang mga klase.
Samantala, ang SPES ay isang programa ng DOLE katuwang ang mga LGU at mga pribadong kompanya na may layuning magbigay ng temporaryong trabaho sa mga mahihirap ngunit deserving na mga estudyante upang magkaroon ang mga ito ng sweldo na magagamit sa pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral. |ifmnews
Facebook Comments