Higit 1-K PDLs, posibleng makalaya sa Pasko

Inaasahan ng Public Attorney’s Office (PAO) na makalalaya ang mga karapat-dapat na Persons Deprived of Liberty (PDLs) ngayong kapaskuhan.

Ayon sa PAO, nasa mahigit isang libong PDLs ang inirekomenda nila kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr na gawaran ng executive clemency.

Ang listahan ay dumaan sa masusing pagsusuri at isinumite na ng Department of Justice (DOJ) sa Malacanang.


Iba’t ibang kaso ang kinasasangkutan ng mga inirekomendang mapalaya.

Taun-taon nagkakaloob ng executive clemency ang Pangulo sa mga inmate na kuwalipikadong lumaya, kabilang na ang mga matatanda at may karamdaman.

Noong nakaraang taon, 600 PDLs ang lumaya napagkalooban ng executive clemency ni Pangulong Marcos Jr.

Facebook Comments