Higit 1-M doses ng Pfizer vaccines, dumating kagabi

Nasa higit isang milyong doses pa ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines ang dumating sa bansa kahapon.

Pasado alas-8 ng gabi nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang mga bakunang binili ng gobyerno.

Samantala, nasa halos 150 million bakuna na ang natanggap ng Pilipinas kung saan 39 million doses nito ang Pfizer habang 54 million ang Sinovac.


Sa kasalukuyan, higit 92.7 million na ang naiturok na COVID-19 vaccines sa bansa habang 38 million Pilipino naman ang fully vaccinated na.

Facebook Comments