Cauayan City, Isabela- Umaabot na sa mahigit isang milyong katao ang nabakunahan kontra COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.
Batay sa inilabas na datos ng Isabela Provincial Information Office ngayong araw, Enero 24, 2022, mayroon ng 1,004,372 katao ang nabakunahan ng First dose ng COVID-19 vaccine.
Tinatayang nasa 890,694 indibidwal naman o 55.2 porsyento sa Isabela ang nabigyan ng kumpletong bakuna (2nd dose) o fully vaccinated.
Mula naman sa 70% na target na mabakunahan sa 2022 population ng Isabela, lagpas na sa 92.1% ang vaccination rate ng probinsya.
Tumaas naman sa 88% ang vaccination consumption sa Isabela.
Samantala, patuloy pa ring hinihikayat ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela ang mga hindi pa nabakunahan kontra COVID-19 na magpabakuna na at sumunod pa rin sa minimum public health standards.
Facebook Comments