Higit 1 metrong lapad na bike lane sa EDSA, iminungkahi ng MMDA

Ipinakita na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang plano nitong magtayo ng bike lane na may isa hanggang 1.5 metrong lapad sa EDSA.

Ayon kay MMDA Spokesperson, Assistant Secretary Celine Pialago, ang lanes ng mga pribadong sasakyan ay liliitan mula sa 3.5 meters ay magiging 2.8 meters na lamang para bigyang daan ang bike lane.

Hinihintay na lamang nila ang budget mula sa Department of Transportation (DOTr) para masimulan ang proyekto.


Ang konstruksyon ay inaasahang matatapos lamang sa loob ng isang buwan.

Humingi ng paumanhin ang MMDA sa mga abala pero ipinunto nila na ginagawa nila ang makakaya para magamit ang espasyo sa EDSA.

Facebook Comments