Higit 1 milyong indibidwal, nabakunahan sa nagpapatuloy na 2nd round ng National Vaccination Day

Umabot sa 1,034,843 na mga indibidwal ang nabakunahan ng pamahalaan sa ikalawang yugto ng Bayanihan, Bakunahan ng pamahalaan kahapon, December 21, 2021.

Ayon kay National Vaccination Operations Center (NVOC) Dr. Kezia Lorraine Rosario, ito ay bunsod ng resumption ng bakunahan sa ilang lugar sa bansa na sinalanta ng Bagyong Odette.

Sinabi pa ni Dr. Rosario na magmula noong December 15 hanggang kahapon December 21, 2021 ay pumapalo na sa 5,056,186 ang kabuuang bakuna na naiturok sa ating mga kababayan.


Pinakamarami aniya rito ay second dose.

Matatandaan na una na ring sinabi ng NVOC na ang ilang Local Government Units na matinding hinagupit ng Bagyong Odette tulad ng Surigao, Siargao at Dinagat Island ay sa December 27 at 28 pa magpapatuloy sa pagbabakuna, lalo’t nakatutok pa sila sa relief at rehabilitation efforts.

Facebook Comments