Higit 1-milyong low income families, nakatanggap na ng 2nd tranche ng SAP

Natanggap na ng 1.3-milyong mahihirap na pamilya na kabilang sa 4Ps beneficiaries ang kanilang cash aid sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Kabilang sa mga nakatanggap ay ang mga low income families na nakatira sa Benguet kasama na ang Baguio City.

Kasama rin sa mabibiyayaan ng lima hanggang walong libong tulong pinansyal sa ilalim ng SAP ang mga kwalipikadong benepisyaryo na nakatira sa Benguet, Pangasinan, Region 3 maliban sa Aurora Province, National Capital Region (NCR), Region 4A, Albay Province, Iloilo, Bacolod City, Cebu Province, Zamboanga at Davao City.


Ang mga ito ay yung mga hindi napabilang sa mga nabigyan ng unang tranche ng SAP.

Una nang sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya na target matapos ang distribution ng 2nd tranche ng SAP sa darating na June 23, 2020.

Tiniyak din nitong mabibigyan ang mga benepisyaryo kahit pa wala silang access sa electronic money transfer.

May dalawa kasing paraan upang matanggap ang ayuda:

  • Una, ang mano-manong pagtanggap kung saan pupunta ang mga kawani ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa bawat Local Government Units (LGUs) at sa pangunguna ng special disbursing officers ng DSWD ay ibibigay ang tulong sa mga kwalipikadong benepisyaryo.
  • At ang pangalawa, sa pamamagitan ng electronic money transfer kung saan kinakailangan lamang mag-register ng benepisyaryo sa “ReliefAgad” mobile application upang doon nila pipiliin kung paano matatanggap ang cash aid na maaari sa bangko, money remittance center o sa Paymaya at GCash.
Facebook Comments