Cauayan City – Tinatayang aabot sa P1,173, 157 ang inisyal na halaga ng napinsala sa livestock industry dahil sa hagupit ni bagyong Julia sa Cagayan.
Ayon sa Provincial Veterinary, 902 na alagang hayop na kinabibilangan ng manok, pato, baboy, kambing, tupa, gansa, kalabaw, at baka ang namatay dahil sa bagyo.
Samantala, umabot sa 174 ang bilang ng mga magsasaka mula sa Abulug, Aparri, Baggao, Buguey, Pamplona, Sta. Ana, Sta. Teresita, at Sto. Niño, Cagayan ang lubos na naapektuhan ng sakuna.
Sa ngayon patuloy ang ginagawang koordinasyon ng PVET sa Municipal Agriculture Office ng iba pang LGU’s upang alamin ang kabuuang bilang ng mga magsasakang naapektuhan ng bagyo upang maabutan sila ng tulong na kanilang kailangan.
Facebook Comments