Cauayan City, Isabela- Kabuuang 1,017,792 o 81% ng indibidwal ang nakatanggap ng second dose ng COVID-19 vaccine sa buong lalawigan ng Isabela batay sa datos ng Provincial Health Office.
Habang 1,097,641 ang naturukan pa lang sa unang dose o katumbas ng 87.3% mula sa 80% 2022 target population na mabakunahan sa probinsya.
Bukod pa dito, 139,193 o 11.1% pa lang ang nakatanggap ng booster dose.
Umabot naman sa 81.5% ang vaccination consumption sa lalawigan.
Mayroon namang 272, 889 sa adult population ang hindi pa nakakatanggap ng bakuna habang 201, 066 naman sa pediatric population.
Patuloy naman ang paghimok sa publiko na magpabakuna upang magkaroon ng dagdag na proteksyon kontra COVID-19.
Facebook Comments