Inaasahang darating sa bansa ngayong buwan ang higit 10 milyong doses ng COVID-19 vaccines.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Deputy Chief Implementer at Testing Czar Vince Dizon, ang mga paparating brand ng bakuna ay Sinovac, Pfizer, AstraZeneca, at Moderna.
Kasama sa paparating na vaccine supply ang mga binili ng pribadong sektor.
Sinabi ni Dizon na habang dumarami ang vaccine supply ay mas maraming bakuna ang maipapamahagi sa iba’t ibang Local Government Units (LGUs).
Ang pag-abot ng bansa sa population protection ay nakadepende sa bilang ng mga paparating na supply ng bakuna.
Gayumpaman, umaasa si Dizon na maaabot ng Pilipinas ang population protection pagsapit ng katapusan ng taon.
Facebook Comments