13, patay sa flash floods sa Texas, USA

Patay ang 13 indibidwal matapos ang nangyaring flash floods sa Texas, USA.

Ayon kay Texas Lieutenant Governor Dan Patrick, higit 20 mga babae sa isang summer camp ang nawawala.

Dagdag pa ni Lt. Patrick na sa loob lamang ng 40 minuto ay umakyat ng 26 na talampakan ang tubig sa Guadalupe River na naging sanhi ng pagkawasak ng mga ari-arian at pagkasawi ng ilang indibidwal.

Sa ngayon, umaasa naman ang mga tao sa lugar sa social media para hanapin ang kanilang nawawalang mahal sa buhay.

Facebook Comments