
Tuloy-tuloy ang ginagawang pagsasaayos at pagkukumpuni ng National Food Authority (NFA) sa mga bodega sa bansa para mas marami pang palay ang mabili sa mga magsasaka.
Sa ambush interview sa Bulacan, sinabi ni NFA Administrator Larry Lacson na minamadali na NFA ang pagbubukas ng mga bagong bodega para may mapag-imbakan ng bigas bagong aning palay.
Ayon kay Lacson, halos lahat ng 134 na bodegang isinaayos ay pinilit nang buksan para matugunan ang problema ng ilang magsasaka na nagtitiis na ibenta sa traders ang kanilang aning palay sa murang halaga.
Sa pagbubukas ng 20th Congress, muli aniyang isusulong ng NFA sa mga mambabatas na ibalik ang kanilang kapangyarihang makapagbenta ng bigas sa merkado, ibalik ang kanilang regulatory power sa rice industry, payagang makabili ng bigas sa mga magsasaka at kooperatiba, at tanggalin ang kapangyarihang mag-angkat ng bigas para makamit ang target na “self-sufficiency” sa bigas.









