Higit 100 Chinese vessels, namataan sa WPS – PCG

Namataan ang nasa higit 100 Chinese vessels sa West Philippine Sea (WPS) noong nakaraang linggo.

Sa isinagawang maritime patrols ng Philippine Coast Guard (PCG), namataan ang 18 barko sa Sabina Shoal kung saan hindi ito tumugon o sumunod sa utos ng PCG na lisanin ang lugar matapos ang serye ng radio challenges.

Nasa apat pang Chinese Maritime Militia vessels ang namataan sa Pag-asa Island na nangingisda sa lugar habang 17 grupo ng higit 100 barko ng China ang namataan sa bisinidad ng Julian Felipe Reef.


Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Jay Tarriela, nakapagsumite na sila ng ulat sa National Task Force West Philippine Sea kasunod ng patuloy na paglitaw ng mga barko ng China sa Philippine Exclusive Economic Zone.

Patuloy naman ang paninindigan ni Pangulong Bongbong Marcos na walang isusukong ni isang pulgada ng ating teritoryo.

Facebook Comments