Cauayan City, Isabela- Nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa Department of Agriculture (DA) region 2 ang ilang hog growers na apektado ng African Swine Fever (ASF) sa lalawigan ng Quirino.
Ilan sa mga tumanggap ang 119 farmers mula sa bayan ng Aglipay, Cabarroguis, Diffun at Saguday matapos ipagkaloob ang nasa higit P4 milyong piso kung kaya’t nakatanggap ang mga ito ng P5,000 kada baboy na namatay.
Bukod sa financial assistance mula sa ahensya ay may binigay rin ang Probinsya na tulong pinansyal na nagkakahalaga ng higit sa P2 milyon para naman sa 317 beneficiaries na apektado rin ng ASF gayundin ang mga LGUs ay nagkaloob.
Ito ang unang batch ng pagbigay sa ilang mga barangay kasabay ng pangako ng ahensya na may nakalaan na pondo para sa iba pang mga hog growers sa lalawigan.
Mahigpit pa rin na paalala ng DA ang madalas na paglilinis ng mga babuyan para makaiwas sa pagkakasakit ang mga alagang baboy.
Ang pinakahuling kaso naman ng ASF sa Probinsya ay naitala noong Enero at inaasahang hindi na madagdagan pa.