Umabot sa isang daang illegal mufflers ang nakumpiska sa Lingayen matapos ang isinagawang operasyon kontra noise pollution para sa kaligtasan ng publiko.
Ayon sa pulisya, ang operasyon ay alinsunod sa Municipal Ordinance No. 12-2018, na nagbabawal sa paggamit ng modified o illegal mufflers sa lungsod na layuning protektahan ang publiko mula sa polusyon sa ingay at tiyakin na ligtas ang lahat sa kalsada.
Dagdag dito, ang nasabing hakbang ay paalala sa lahat ng motorista na sumunod sa batas trapiko at tiyakin na maayos ang kagamitan ng kanilang sasakyan.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang kapulisan sa kampanya laban sa paggamit ng illegal mufflers at sa paghuli ng mga lumalabag sa batas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










