Umaabot sa 105 indibidwal ang nahuli ng Philippine National Police (PNP) na lumabag sa liquor ban.
Ito’y kaugnay nang nakalipas na eleksyon 2022.
Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni NCRPO PIO P/Lt. Col. Jenny Tecson na ipinatupad ang nasabing liquor ban madaling araw ng May 8 hanggang hatinggabi ng May 9, araw ng halalan.
Base sa Commission on Elections (COMELEC) Resolution No. 10746, ipinagbabawal ang pagbebenta at pagbili ng nakalalasing na inumin sa nabanggit na petsa.
Sinumang mahuling lumabag dito ay maaaring magmulta at makulong ng hanggang 6 na taon.
Facebook Comments