HIGIT 100 INSIDENTE NG SUICIDE, NAITALA SA REHIYON DOS

Nasa kabuuang 129 ang bilang ng suicide incident ang naitala sa rehiyon dos ngayong taong 2022 batay sa record ng Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD).

Ang lalawigan ng Cagayan ang may pinakamataas na insidente ng pagpapakamatay na umabot sa 57, sinundan naman ito ng Isabela na may 37, Nueva Vizcaya na may 26, Santiago City na may pito (7) habang dalawa (2) ang naitala sa Quirino.

Ayon sa Police Regional Office 2 (PRO2), ang pinakahuling insidente ay nangyari sa bayan ng Solana kung saan ang biktima ay ang 12-taong gulang lamang.

Natagpuan ng lola ang nakabiting katawan ng apo na si alyas Junno sa improvised wooden cabinet na nakapulupot ang kurtina sa leeg bandang 11:00 ng umaga noong Oktubre 26, 2022.

Sinubukan pa umanong i-CPR ang biktima ngunit wala na itong buhay.

Wala naman nakikitang foul play ang pagkamatay ng bata base sa lumabas sa Post Mortem Examination nito ayon sa follow-up investigation ng pulisya.

Payo ng mga otoridad sa mga magulang, gabayan ang mga anak lalo pa at marami ang nakakaranas ng depression sa ngayon bunsod ng napakaraming problemang kinakaharap katulad na lamang ng kahirapan at ang problemang pangkalusugan.

Facebook Comments