Higit 100 katao, nagkaroon ng HIV dahil sa paid sex nitong Abril

Higit 100 indibidwal ang nahawaan ng human immunodeficiency virus o HIV nitong Abril dahil sa transactional o paid sex.

Base sa datos ng Epidemiology Bureau ng Department of Health (DOH), nasa 114 katao ang nagkaroon ng HIV dahil nagpapabayad o nagbabayad para lang sa sex.

Mula sa nasabing bilang, 112 indibidwal o 98% ng mga kaso ay mga lalaki na may edad 17 hanggang 62-anyos.


Mula Enero hanggang Abril ngayong taon, aabot na sa 529 cases ng indibidwal na nagkaroon ng HIV dahil sa transactional sex.

Sa ngayon, aabot na sa kabuoang 6,596 HIV cases ang nakuha dahil sa paid sex mula pa noong 2012.

Facebook Comments