Higit 100 katao, nahuling lumabag sa pagsisimula ng lockdown sa Tondo-District 1

Umabot sa 176 katao ang nahuli dahil sa paglabag sa ipinapatupad na 48-hour lockdown aa Tondo District-1.

Ang nasabing bilang ay mula ng ipinatupad ang lockdown ng alas-5:00 ng umaga hanggang alas-1:44 ng hapon.

Sa nasabing bilang, 167 dito ay mga lalaki, dalawang babae at pitong menor de edad.


Pinakamaraming nahuli ay sa Barangay 105 na nasa 63 kung saan lahat ng inaresto ay diretso sa inquest proceedings habang ang mga menor de edad ay ibabalik na lamang sa kanilang mga magulang.

Samantala, nasa 1,133 katao ang sumalang sa community testing sa Tondo District-1.

Ayon sa Manila Health Department, ang nasabing pagsusuri ay mula kaninang umaga hanggang ala-una ng hapon kung saan 85 dito ay nagpositibo sa COVID-19.

Ang nasabing lockdown ay hakbang ng Lokal na Pamahalaan ng Maynila para hindi na dumami o tumaas pa ang bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa sa Tondo District-1.

Facebook Comments