YANGON, Myanmar – Hindi bababa sa 162 katao ang namatay habang 54 iba pa ang sugatan sa biglaang pagragasa ng landslide sa jade mine sa northern Myanmar’s Kachin State.
Nangyari ang insidente noong Huwebes ng umaga sa gitna ng malakas na pag-ulan sa Hpakant, Myanmar.
Sa report ng Myanmar Fire Department, 7:15 na ng gabi nang marekober ang 162 katawan at isinugod naman sa ospital ang mga nagtamo ng sugat.
Ayon kay local lawmaker Khin Maung Myint, maaari pang tumaas ang bilang ng mga nasawi sa kabila ng paputol-putol na search operation dahil sa malakas na ulan.
Sa Facebook post ng Myanmar Fire Services Department, makikita ang rescue team habang naghahanap ng mga katawang bumaon na sa putik.
Mapapanood naman sa video na ipinost ng Reuters kung paano nangyari ang trahedya.
A landslide at a jade mine in northern Myanmar killed at least 113 people, after a pile of mine waste collapsed into a lake, triggering a wave of mud and water that buried scores of workers https://t.co/StAmnORof7 pic.twitter.com/S3Fv2Tm0H3
— Reuters (@Reuters) July 2, 2020
Naglabas naman ng pahayag ang United Nations ng Myanmar na nagpapahatid ng simpatya at pakikiramay sa pamilya ng mga namatayan.
Samantala, naiulat na karaniwan na sa naturang bansa ang landslides at nakamamatay na aksidente na nagaganap sa mga minahan.
Noong nakaraang taon, higit 50 manggagawa ang nalibing sa mudslide sa jade mine matapos bumigay ang lawa roon.
Nasa 113 katao naman ang nasawi noong bumigay rin ang bundok sa naturang minahan noong 2013, kung saan napag-alamang natutulog sa kani-kanilang mga kubo ang mga manggagawa.