Higit 100 Kilo ng Marijuana, Nasamsam sa 4 Indibidwal

Cauayan City, Isabela- Apat na indibidwal ang dinakip ng mga otoridad dakong alas-11:00 ngayong umaga dahil sa tangkang pagpupuslit ng nasa 112 kilos ng Marijuana Bricks sa Bantay, Tabuk City, Kalinga.

Sa inisyal na report ng PNP, nakilala ang mga suspek na sina Augusto Formales Galicia at Wenceslao Formales Galicia, nasa hustong edad, may-asawa, kapwa driver at residente ng Peñafrancia, Mayamot, Antipolo City; Eduardo Libao Patiga, truck helper, residente ng East Rembo, Makati City; at isang John Benedick Esperito Camia, 22-anyos, helper, mula sa Anabo, Imus, Cavite.

Sakay ng isang itim na SUV na may plakang NGF 5992 ng maaresto ang mga suspek ng pinagsanib na pwersa ng Tabuk CPS, PDEA Kalinga PO Kalinga PECU, CIDG Kalinga Apayao PFU, PDEU/PIU, RID PROCOR, RIU-14, 1st, 2nd PFMC at 141 SAC PNP SAF.


Mahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na nasa kustodiya ng pulisya.

Photo: 𝘔𝘨𝘢 𝘒𝘢𝘱𝘢𝘥 𝘠𝘢𝘬

Facebook Comments