Higit 100 kontraktor, agad na nagbayad ng buwis matapos ang naging babala ng Manila LGU

Umaabot na sa higit P93-milyon na hindi nabayaran na tax ang nakolekta ng lokal na pamahalaan ng Maynila mula sa 140 na mga kontraktor na nagsagawa ng flood control projects.

Nabatid na nagsimulang magbayad ang ibang mga kontraktor matapos magbabala si Mayor Isko Moreno na pananagutin sila sa batas at ilalagay sa blacklist ang kanilang kompaniya.

Bukod dito, nasa 175 kontraktor ang hindi pa nagpaparamdam kahit pa pinadalhan na ng notice ng Manila LGU.

Napag-alaman na ang mga kontraktor na ito ay nagsagawa ng 315 na proyekto na itinago at itinatayo sa lungsod ng Maynila mula pa 2022 hanggang sa kasalukuyan.

Lumalabas naman sa record ng Maynila na nasa 175 flood control projects pa ang nananatiling may tax liabilities na umaabot sa higit P127-milyon.

Facebook Comments