Higit 100 LSIs, naihatid ng PNR

Nasa 117 Locally Stranded Individuals (LSIs) na pauwing Bicol ang naihatid na sa pamamagitan ng ‘Hatid Tulong’ program ng Philippine National Railway (PNR).

Alas-2:00 kaninang madaling araw nang makaalis ang mga LSI mula sa Tutuban Station na ikalawang batch na sa ilalim ng nasabing programa ng PNR.

Bago makasakay, isinailalim muna sa rapid test ang mga LSI na bahagi ng requirements at ang magpopositibo ay pansamantalang maiiwan upang isailalim sa swab test.


Sasalubungin ang mga LSI ng kani-kanilang lokal na pamahalaan at saka sila isasailalim sa 14 na araw na quarantine bago sila papayagang makauwi sa kanilang bahay.

Ayon sa PNR, nasa 300 LSIs na kabilang sa kanilang listahan ang nakatakda nilang ihatid pauwi sa kani-kanilang probinsiya sa mga susunod na araw.

Sa iba pang mga LSI na nais makauwi rin ng Bicol, maaari silang tumawag sa ‘Hatid Tulong’ number ng PNR na 0961-501-8311 upang maisama sa listahan.

Facebook Comments