Higit 100 Magkasintahan, Sabayang Ikinasal sa Isang Falls sa Cagayan!

*CAGAYAN- *Matagumpay na ikinasal sa mismong araw ng mga puso sa isang Falls ang nasa mahigit 100 magkasintahan sa taunang “Kasalang Bayan” ng Amulung, Cagayan.

Sa personal na pagtutok ng RMN Cauayan, masayang nakipagpalitan ng salitang “I do” ang 130 na magkasintahan partikular sa Pinicon Falls, Brgy Dadda, Amulung, Cagayan.

Kitang-kita sa mga mukha ng magkasintahan ang kanilang kasiyahan habang ikinakasal na naka-paa sa nasabing Falls at dahil na rin sa pag-ako ng LGU at ng PAG-IBIG Fund sa mga ginamit sa kanilang pangkasal.


Ang nasabing Kasalang Bayan na isinagawa sa Falls ay kauna-unahang naganap sa Lalawigan ng Cagayan na pinangunahan ng PAG-IBIG Fund katuwang ang LGU.

Facebook Comments