Manila, Philippines – Inihain sa Kamara ang resolusyong magpapatuloy ng peace talks sa pagitan ng gobyerno at mga rebeldeng komunista.
Umabot sa higit 100 mambabatas ang lumagda sa House Resolution no. 636 para isulong ang usapang pangkapayapaan.
Laman din nito ang pagsulong sa Joint Safety and Immunity Guarantees o JASIG at Comprehensive Agreement on the Respect of Human Rights and the International Humanitarian Law.
Umaasa ang mga kongresista na tutugunan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte lalo na at sinabi ng Malacañang na hindi isinasara ng gobyerno ang peace talks sa mga rebeldeng komunista.
Facebook Comments