Higit 100 mga healthcare workers mula sa mga pribadong hospital, nagkasa ng kilos-protesta sa DOH

Nagkasa ng kilos-protesta ang nasa higit 100 mga healthcare workers mula sa mga pribadong hospital sa harap ng Department of Health (DOH).

Ito’y para muling ipanawagan sa pamunuan ng DOH ang mga pangakong allowance at benepisyo na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin naibibigay sa ilalim ng Bayanihan 2.

Partikular na nagkasa ng kilos-protesta ay ang mga healthcare workers mula sa union ng St. Luke’s Medical Center sa Quezon City at UST Hospital sa lungsod ng Maynila.


Katuwang nila sa pagkasa ng kilos protesta ang ibang manggagawa mula sa ibang union at mga urban poor groups na pinangungunahan ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), Sanlakas at Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML).

Nabatid na nasa 16 na araw na mula nang iutos ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Budget and Management (DBM) at DOH na i-release na ang mga allowance ng mga healthcare worker tulad ng Special Risk Allowance, meal and transportation allowance at iba pang benepisyo pero hindi pa rin nila ito nakukuha.

Hiling nila ngayon na patalsikin sa pwesto si Health Secretary Francisco Duque III at managot rin ito sa kaniyang mga pagkukulang.

Facebook Comments