Aabot sa 115 katao ang nawawala at pinangangambahang nalunod matapos tumaob ang barkong sinasakyan ng mga migrant paalis ng Libya.
Nasa 134 ang nasagip ng Libyan coast guards at mga lokal na magsasaka.
Sa impormasyon mula sa Libyan navy – aabot sa 250 katao ang sakay ng maliit na barko na galing pa ng Eritrea at iba pang Sub-Saharan Africa at Arab countries nang tumaob ang kanilang sinasakyan.
Ayon kay United Nations High Commissioner for Refugees Filippo Grandi – maituturing itong pinakamalalang trahedya sa Mediterranean ngayong taon.
Tinatayan higit 600 Mediterranean migrants na ang nasawi ngayong taon dahil sa pagtatangkang pagtawid.
Ang Libya ay lugar na pinupuntahan ng mga migrants at refugees, para makapunta ng Europe.
Facebook Comments