Higit 100 million COVID vaccine, naiturok na sa buong bansa

Umabot na sa 100,013,599 doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok sa bansa simula noong buwan ng Marso.

Ayon kay National Vaccination Operations Center (NVOC) Chairperson at Health Usec. Myrna Cabotaje, 55,975,001 ang nabigyan ng unang dose.

Nasa 43,029,348 o katumbas ng 55.78 million target population ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.


Aabot naman sa 1,014,789 indibidwal ang nabigyan ng booster shots.

Nauna nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na umaasa ang pamahalaan na mabigyan ng kumpletong bakuna ang 54 milyon na Pilipino bago matapos ang taon.

Facebook Comments