HIGIT 100 MILYONG AYUDA, IPAPAMAHAGI NGAYONG LABOR DAY SA REGION 1

Maglalaan ang Department of Labor and Employment (DOLE) Region 1 ng humigit-kumulang PHP137 milyong ayuda para sa mga manggagawa ngayong araw ng labor day.

Sa halagang ito, PHP131.5 milyon ang mapupunta sa TUPAD Program, kung saan inaasahang makikinabang ang mahigit 29,000 katao.

Ayon kay Teresa Bonavente ng DOLE Ilocos Region, ang mga benepisyaryo ng TUPAD ay kinabibilangan ng 5,692 mula sa Ilocos Norte, 4,703 sa Ilocos Sur, 1,531 sa La Union, 8,176 sa Kanlurang Pangasinan, 4,033 sa Gitnang Pangasinan, at 4,983 sa Silangang Pangasinan.

Samantala, halos PHP6 milyon naman ang inilaan sa DOLE Integrated Livelihood Program o DILP, na makakatulong sa 280 grupo sa rehiyon.

Kabilang sa mga pangunahing benepisyaryo ay mga magsasaka, mangingisda, at iba pang manggagawang nawalan ng hanapbuhay.

Samantala, bukas ika-2 ng Mayo ipapatupad ang ayuda ban hanggang sa araw ng halalan ayon sa COMELEC.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments