Higit 100 milyong piso, Iniwang pinsala sa sektor ng Agrikultura sa Cagayan

Cauayan City, Isabela- Umaabot sa higit P100 milyong piso ang iniwang pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa naranasang pagbaha bunsod ng ulan nitong mga nakalipas na araw sa lalawigan ng Cagayan.
Batay sa naging datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO)Cagayan, pumalo sa P80 milyon ang pinsala sa pananim na mais mula sa iba’t ibang bayan ng Alcala, Gattaran, Allacapan,Lasam, Piat, Rizal, Amulung, Enrile, Iguig, Peñablanca, Solana, Camalanuigan at lungsod ng Tuguegarao ang nasira kung saan apektado rito ang nasa 8,120 corn farmers.

Maliban sa pinsala ng pananim na mais, pumalo naman sa higit P30 milyon ang halaga ng nasira sa tanim na palay at aabot sa 11,000 na magsasaka ang naapektuhan ng pagkasira ng pananim.

Samantala, libu-libong pamilya ang naapektuhan ng malawakang pagbaha kung saan marami ang isinailalim sa pre-emptive evacuation noong kasagsagan ng ulan.


Facebook Comments