Manila, Philippines – Nagsagawa ng prayer rally sa Quezon City ang nasa isang-daang mga pari, madre at seminarista bilang protesta laban sa umano’y extra judicial killings.
Ayon sa grupong Nicodemus, suportado nila ang hangarin ng pamahalaan na masugpo ang droga pero tutol sa pagpatay sa mga drug personalities.
Anila, pwede pang magbago ang mga ito kung mabibigyan ng pagkakaton.
Giit pa ng grupo, mas dapat unahin ng gobyerno ang problema ng kahirapan at kakulangan ng trabaho at social services sa bansa.
Nababahala rin anila sila sa pagsusulong ng death penalty at planong pagbababa ng edad sa criminal liability sa siyam na taong gulang mula sa orihinal na 15-taong gulang.
Facebook Comments