Tuloy ang byahe ng higit 100 modernized jeepneys sa Pangasinan sa paparating na semana Santa bilang pag-alalay sa mga pasahero.
Ayon Kay Alliance of Modernized Transport Cooperative and Corporation President Jessie Quiros, minomonitor din ng LTFRB ang mga ito sa pamamagitan ng kanilang mga GPS kung sila ay ba-byahe o hindi.
Samantala, tiniyak ng LTFRB ang sapat na bilang ng mga bus na babyahe palabas at papasok ng probinsya, kung saan aabot na sa higit 50 special permit ang napagbigyan.
Inaasahan naman na dadami ang bilang ng mga tutungo sa probinsya ng Pangasinan, lalo na at isa ito sa paboritong pasyalan dahil sa pilgrimage sites at tourist spots.
Paalala naman ng awtoridad ang maingat na pagbyahe lalo na ngayong mainit ang panahon.
Nakaantabay ang LTO para sa isasagawa nitong Oplan Semana Santa at Lakbay Alalay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨