Higit 100 na indibidwal sa Valenzuela City, inilikas

Umaabot sa higit 100 indibidwal sa lungsod ng Valenzuela ang inilikas bunsod ng pagbaha.

Ito’y dahil sa malakas na ulan dulot ng habagat na pinalakas pa ng Bagyong Chedeng.

Sa datos ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela, nasa 114 indibidwal o katumbas ng 29 pamilya ang nailikas.


Ang mga inilikas ay pansamantalang nasa Bartolome Covered Court sa Brgy. Veinte Reales kung saan 20 pamilya o 78 indibdwal ang nananatili rito.

Aabot naman sa apat na pamilya o 15 miyembro ang pansamantalang nananatili sa Francisco Elementary School sa nabanggit na barangay.

Apat na pamilya rin o 19 na indibdwal ang pansamantalang nasa 3s Center sa Brgy. Arkong Bato.

Ilang lugar na rin sa Valenzuela City ang binaha kaya’t nagkaloob ng libreng sakay sa publiko ang lokal na pamahalaan.

Facebook Comments