HIGIT 100 NA MARKET VENDORS SA DAGUPAN CITY, SUMAILALIM SA PROFILING NG TUPAD NG DOLE

Nasa 121 na mga market vendors sa Dagupan City ang sumailalim sa profiling ng TUPAD ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Ito ay bilang kanilang pagbangon sa naranasang nagdaang bagyong Emong.
Sa ilalim ng programa ay bibigyan sila ng pagkakataon na madagdagan pa ang kanilang kita maging sa iba pang pangangailangan pati ng kanilang pamilya.
Nagpasalamat naman ang lokal na pamahalaan aa ipinaabot na tulong na ito ng DOLE upang matulungan ang mga Dagupeño na nahihirapang makabangon matapos ang naranasang bagyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments