Higit 100 na noche buena items, nananatili pa rin ang presyo ayon sa DTI

Nananatili pa rin ang presyo ng nasa 134 noche buena products ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Sa inilabas na datos ng DTI, walang pagbabago sa presyo ang mga nasabing produkto base na rin sa comparative SRP noong 2018 at ngayong 2019.

Kabilang sa mga ito ay ang keso de bola, keso, sandwich spread, mayonnaise, pasta spaghetti, elbow at salad macaroni, spaghetti sauce, tomato sauce, pati na rin mga creamer products.


Anim na produkto naman ang nagbawas ng presyo ngayong 2019 kumpara sa Suggested Retail Price (SRP) list noong nakaraang taon kung saan halos nasa ₱11.00 ang ibinaba ng ilan sa mga ito.

Inilabas ni DTI Secretary Ramon Lopez ang pahayag matapos kimalat ang balita nitong nakalipas na araw na may 92 produkto na nagtaas ng presyo.

Iginiit pa ng DTI na taon-taon naman ay nagtataas ng presyo na ilang premium na brand pero maliliit lamang ang pagtaas nito.

Ang mga ham manufacturers naman ay naglabas ng mga bagong sizes ng kanilang mga produkto at mabibili sa mas mababang presyo.

Facebook Comments