Higit 100 Nabakunahan kontra COVID-19 sa Cagayan Valley, Nakaranas ng ‘Adverse Effect’

Cauayan City, Isabela- Umabot sa 150 na mga nabakunahan sa buong Cagayan Valley ang nakaranas ng ‘adverse effect’ matapos turukan ng SINOVAC vaccine.

Sa panayam ng iFM Cauayan kay DOH Regional Director Dr. Rio Magpantay, normal lang at hindi dapat pagmulan ng takot ang mga nakaranas ng nasabing epekto ng bakuna.
Aniya, minor lang at manageable ang nasabing epekto ng mga nabakunahan matapos makaranas ng pananakit ng ulo at pagtaas ng presyon subalit agad din namang naaksyunan ng mga sumuring doktor.

Ayon pa kay Dr. Magpantay, nasa 9,000 katao o siyamnapung porsyento ng mga health workers ang natapos ng bakunahan sa rehiyon habang kasalukuyan pa ang pagbabakuna ng Astrazeneca vaccine.


Napaaga rin aniya ang pagdating ng ikalawang dose ng SINOVAC subalit kailangan pang hintayin na lumipas ang apat na linggo bago simulan ang pagbabakuna nito.

Samantala,ipapamahagi na rin ang bakuna ng Astrazeneca sa mga hospital na handa sa vaccination program para sa mga senior citizen at ang mga umayaw din na magpabakuna ng SINOVAC.

Pinasisiguro rin ni Magpantay na mababakunahan ang karamihan mula sa paglalaan ng vaccine allocation.

Facebook Comments