Higit 100 palaboy, sinagip ng Manila Social Welfare

Manila, Philippines – Aabot sa 100 palaboy kabilang ang ilang menor de edad ang nasagip ng Manila Social Welfare and Development (MSWD).

Sinuyod ng MSWD ang mga kalsada sa kahabaan ng Blumentritt, Rizal Avenue extension at Hermosa Street.

Karamihan sa ito ay mga natutulog sa kalsada gayundin ang iba na ginawa nang tahanan ang mga center island.


Dadalhin sa Manila Boys Town Center sa Marikina ang mga nahuli na residente ng Maynila habang ang iba na galing pa sa ibang lugar ay ibibigay sa pangangalaga ng Jose Fabella Center sa Mandaluyong.

Facebook Comments