Higit 100 pamilya, inilikas sa Valenzuela City bunsod ng Bagyong Krisitine

Multi Purpose Gymnasium sa Roxas District QC -10/24/2024

Aabot sa 180 pamilya ang pansamantalang inilikas ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela sa Maynila.

Katumbas ito ng nasa 654 na mga indibidwal kung saan karamihan sa kanilang mga bahay ay nakaranas ng pagbaha.

Sa nasabing bilang, 138 pamilya ang nananatili sa Valenzuela National Highschool sa Brgy. Marulas na ginawang evacuation center.


Ang ibang inilikas na pamilya ay nasa evacuation center sa Bartolome Covered Court, Brgy. Veinte Reales, Lingunan Elementary School, Pinalagad Elementary School, Brgy. Malinta, at 3S Center Paso de Blas.

Patuloy namang naka-monitor at naka-standby ang mga tauhan ng Valenzuela City Command Control and Communications Center para magbigay tulong sa mangangailangang residente.

Facebook Comments