Higit 100 pamilya, nasunugan sa Barangay Addition Hills sa Mandaluyong City

Mandaluyong City – Mahigit 100 pamilya ang nasunugan sa Barangay Addition Hills sa Mandaluyong City, ala 1:30 kaninang madaling araw.

Nagsimula ang apoy sa bahay na pagmamay-ari ng isang Jaime Ignacio na inuupahan naman ng isang “Joy” bilang imbakan ng mga junk material.

Nasa 60 mga bahay ang naabo habang aabot sa dalawang-daang libong piso ang danyos sa sunog.


Pansamantala namang nananatili sa isang basketball court ang mga naapektuhang residente.

Nakikipagpulong na rin ang Mandaluyong City government sa iba’t ibang ahensya para sa posibleng tulong na maibigay sa mga nasunugan.

Facebook Comments